Una sa Balita

Pilipinas damay sa giyera ng US at NoKor

By
0 135

Sa ayaw at sa gusto ng mga Filipino, madadamay at madadamay umano ang Pilipinas kapag sumiklab ang digmaan ng Estados Unidos at North Korea.

Ito ang pangamba ni 1-Ang Edukasyon party-list Rep. Salvador Belaro sa gitna ng tumitinding girian ng US at NoKor.

Ngayon pa lamang aniya ay dapat mag-convene na ang National Security Council ng Pilipinas para paghandaan ang giyera ng dalawang bansa.

Ayon kay Belaro, kahit gumitna ang Pilipinas sa gera ng US at NoKor, madadamay pa rin ang bansa kapag nagpakawala na sila ng missiles strikes.

“We must evaluate all our options, contingencies, and response mechanisms. The Philippines could well be within striking distance of North Korean missiles. Our Department of National Defense must ascertain this based on the best available intelligence,” ani Belaro.

Ayon sa mambabatas, kung totohanin ng North Korea ang banta na pauulanan ng missiles ang Guam, dadadaan ito sa airspace ng Pilipinas kaya oras na sumablay ang missile launching ay siguradong babagsak ito sa ating teritoryo.

“If those missiles have nuclear warheads, what can the Philippines do in response?” tanong ni Belaro.

Maoobliga din aniya ang gobyerno ng Pilipinas na tumulong sa Amerika dahil umiiral pa rin ang US-PHL Mutual Defense Treaty na pinagkasunduan noong 1951.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More