Una sa Balita

Pilipinas angat sa Kazakhstan, tumapos ng 9th place sa AVC Cup

By
0 199

KINAHON ng Philippine women’s team ang ninth place matapos pagpagin ang Kazakhstan 25-13, 23-25, 25-22, 17-25, 15-8 kagabi sa 6th AVC Cup sa Korat Chatchai Hall sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Sina Cha Cruz at Mika Reyes ang sinandalan ng Pinay spikers upang makaulit ng panalo sa Kazakhstan.

Sumalang sa classification match ang Pilipinas matapos mabigo at makapagtala lang ng 1-2 card sa preliminary round.
Muling yumuko ang Pilipinas sa Korea noong Martes sa kanilang battle for seventh place.

Lumasap muna ng dalawang talo sa Pool C group stage bago tumikim ng panalo kontra Kazakhstan 25-22, 25-23, 20-25, 25-17 matapos silang akbayan ni Alyssa Valdez.

Samantala, hindi nakatikim ng panalo ang Kazakhstan sa nasabing tournament. ()