Una sa Balita

Pilay na Ginebra ni Cone dadayo sa CDO vs Phoenix

AGAWAN SA UNAHAN!

By
0 584

Laro Ngayon: (Cagayan de Oro)
5:00 pm – Phoenix vs. Ginebra

Mga Laro Bukas: (Smart Araneta Coliseum)
4:30 pm – NorthPort vs. TNT
6:45 pm – Magnolia vs. SMB

DADAYO ng Xavier University sa Cagaya­n de Oro ang Phoenix at Ginebra para pag-agawan mamaya ang liderato ng PBA Governors’ Cup.

Rumaratsada ang Fuel Masters sa 5-1 win-loss card, nasa likod nila ang Blackwater (4-1) at Gin Kings (4-1).

Matapos matisod sa Alaska, 108-97, noong Agosto 29, tatlong sunod na panalo ang tinuhog ng Phoenix, 112-82, kontra TNT KaTropa, 96-86, laban sa Meralco, at 95-82 sa Magnolia noon lang Linggo.

Sasakyan ng Fuel Masters ni coach Louie Alas ang momentum ng three-straight wins laban sa Gin Kings na kahit 10 lang ang rotation ay nagawang itumba ang San Miguel Beer, 110-102, noong Setyembre 23 din.

Wala sina June Mar Fajardo at Marcio Lassiter, may iniinda pang ankle injury si import AZ Reid ng San Miguel nang bistayin ng Gins.

Pero kulang din sa tao si coach Tim Cone, nasa injury list pa sina Japeth Agui­lar, Greg Slaughter, Sol Mercado, Jervy Cruz, Art dela Cruz at rookie Julian Sargent.

Si Joe Devance, galing din sa knee injury at kahit hindi pa 100 percent ay pinilit lang inilaro.

Ang next men up na rumesponde kontra Beermen ay sina Aljon Mariano at Prince Caperal, kailangan ulit ni Cone ng matinding ayuda ng locals kay Justin Brownlee.

Alam na ni Cone na mapapalaban sila kontra Fuel Masters.

“Phoenix is the real deal, and they back it up statistically,” anang two-time grand slam coach. “They have been the dominant team this conference, so we know we have our work cut out for us.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy