Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pikon sa tawanan ng nag-iinuman namaril, 1 sugatan

0 44

Isinalang sa operasyon ang 23-anyos na tricycle driver matapos barilin ng isang lalaki na inakalang pinagtawanan niya sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Inoobserbahan sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktimang si Herminio Diverson, ng Brgy 79, dahil sa tama ng bala sa katawan.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente alas-4:45 ng madaling araw sa may panulukan ng Panday Pira St. at Varona St., Tondo. Ayon sa testigo, nag-iinuman sila ng biktima nang dumaan ang mga suspek na si Roberto Puerte, 27, tricycle driver; at isang alyas ‘Pipoy’, natiyempuhan naman na nagtatawanan ang grupo ng biktima.

Inakala umano ng mga suspek na sila ang pinagtatawanan. Para maiwasan ang komprontasuon nagpaliwanag si Diverson sa mga suspek na hindi sila ang kanilang pinagtatawanan.

Sa puntong ito biglang sinapak ni Pipoy ang biktima sa mukha habang bumunot naman ng baril si Puerte at pinutukan ang biktima saka mabilis na tumakbo papatakas. Tinutugis na sila ng pulisya para papanagutin sa krimen. (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.