Una sa Balita

Pihadong bantay-sarado si Fajardo sa Meralco

By
0 412

Mga laro nga­yon: (Ynares Center-Antipolo)
4:15 pm – Phoenix vs Kia
7:00 pm – Meralco vs San Miguel
 
Makisalo sa lide­rato sa pagsungkit sa ikalawang sunod na panalo ang kapwa asam ngayon ng Meralco at nagtatanggol na kampeong San Miguel Beer sa pagsagupa sa tampok na laro sa pagpapatuloy ng eliminasyon ng 2017-18 PBA Philippine Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.

Mag-aagawan muna sa unang panalo ang Phoenix Petroleum (0-1) at Kia (0-1) sa ganap na alas-4:15 ng hapon bago sundan ng sultada ng Beermen (1-0) at Bolts (1-0) sa ganap na alas-7:00 ng gabi.

Inaasahang sasandigan ng Beermen sina June Mar Fajar­do, Arwind Santos, Alex Cabagnot, Marcio Lassiter at Chris Ross na nagtulong-tulong upang biguin ang Fuel­masters, 104-96.

Kinuryente ng Bolts ang Blackwater, 103-98, sa likod ng tikas nina Niño Canaleta, Baser Amer, Jared Dil­linger at Chris Newsome.

Aminado si Norman Black na kailangang nilang mapantayan ang tibay at tatag para talunin ang kasalukuyang Philippine Cup three-peat champion Beermen.

“They’re a real tough test,” sabi ng Meralco coach, na dismayado sa ipinakitang laro ng Bolts sa unang salang. “Going up against San Miguel Beer is always a tough challenge because of their talent and size.”