Una sa Balita

Pigaan ulit ng utak sina Wesley, Magnus

0 215

DUMATING na ang araw ng muling pagtatapat nina super grandmaster Wesley So at Magnus Carlsen ng Norway.

Ito ang laban na hinihintay ng mga Pinoy chess fan, nakatakda silang magtagisan ng isip sa 10th at penultimate round ng Grand Chess Tour 2019 sa Zagreb, Croatia.

Kapit pa rin ni 25-year-old So ang solo second spot matapos makipaghatian ng puntos kay GM Ian Nepomniachtchi ng Russia sa 42 moves ng Ruy Lopez sa round 9.

Nakalikom si Imus, Cavite native So ng anim na puntos, habang tangan ni reigning world champion­ Carlsen ang 6.5 points.

Nauwi sa draw ang laban ni Carlsen kay Armenian GM Levon Aronian.
Malaki pa ang tsansa ni former Philippine Chess Team star So na mabingwit ang korona sa event na may 12-player single round robin format dahil pagkatapos ng laban kay Carlsen ay may isa pa siyang laro.

Kailangan ni So na manalo o makatabla upang manatiling may pag-asa sa asam na titulo.

Makakalaban ni So sa 11th at final round si Arnoian. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy