Una sa Balita

Pigaan ng utak sa Tarlac chess

0 292

MAGKIKITA ang mga batikang woodpusher sa pagsulong ng pinakahihintay na Tarlac City Chess Club Inc. Open Invitational Chess Tournament 2200 and below rapid chess championship.

Magsisimula ang bakbakan sa Sabado na gaganapin sa Brgy. Sto Cristo Gym sa Tarlac City.

Suportado nina Tarlac City Chess Club Inc. president Arnold Soliman, sportsman Jesus Tayag, ABC president Winston Torres at New York, USA based Rainier Labay ang nasabing 1 day rapid chess tournament na bukas sa lahat ng manlalaro, master man o non master, anuman ang kasarian at edad na hindi lalagpas sa 2200 ang rating.

Nakalaan sa magkakampeon ang P7,000 habang ang second placer P5,000, third P3,000, fourth P1,000, at fifth hanggang tenth placer ay tig-P500.

May mga prize din sa category winner na tig-P500 para sa magiging top senior, top lady, top senior, top 14 and under, top elementary, top high school at top college.

Ang registration fee ay P300. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More