Una sa Balita

Pido, Howell nagbulyawan

0 308

KALMA!

Mga laro bukas:
(Araneta Coliseum)
4:30pm — NLEX vs Rain or Shine
7:00pm — Phoenix vs Ginebra

MUNTIK mauwi sa kaguluhan ang pagbubulyawan nina NorthPort coach Pido Jarencio at Phoenix import Richard Howell sa labang napagwagian ng Fuel Masters 97-87 sa unang laro ng 2019 PBA Commissioner’s Cup elimination phase kagabi sa Big Dome.

Halos sumiklab ang kaguluhan matapos na magkainitan sa ika-8:44 minuto ng ikaapat na yugto ang Batang Pier at Fuel Masters kung saan natawagan ng technical foul si Jarencio habang tig-isang bench technical sa mag­kabilang kampo.

Una nang nagkapalitan ng maiinit na salitaan ang mga manlalaro tampok si Howell bago nito nakasagutan si Jarencio na halos umabot sa mainit na yugto kung hindi lamang agad na napigilan ng mga umaawat na mga kakampi, mga team official at mga referee.

Nahirang na best player ng laban si Matthew Wright na tumapos ng 28 markes, 5 boards, 6 assists at 2 steals para tulungan ang Phoenix umangat sa 3-4 panalo-talo baraha habang ibinigay sa Batang Pier (7-2) ang ikalawang talo sa siyam na bakbakan.

Nagsalpak din si Wright ng apat na tres sa walong pakawala habang nag-ambag si Howell ng 18 points at 15 caroms.

Sumahog naman sina RJ Jazul, Jason Perkins at Alex Mallari ng 17, 12 at 11 puntos, ayon sa pagkakabanggit para sa Fuel Masters. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy