Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Picnic day sa panahon ng pandemya

0 51

Alam niyo ba na ngayong araw ang tinuturing na national picnic day?

Nagmula ang picnic sa salitang Pranses na ‘piquenique’ na nangangahulugang pagkain na kinakain sa labas ng bahay.

Sinasabing nagsimula ito nang buksan sa publiko ang mga royal park sa unang pagkakataon matapos ang French Revolution.

Mayroon ding tala na mas nakilala ang picnic noong mga unang bahagi ng 19th century nang itatag ng grupo ng mga mayayamang residente sa London ang ‘Picnic Society’. Tampok dito ang pagbabahagi ng mga pagkain at ilang uri ng kasiyahan.

Sa araw na ito maaaring magdala ng mga pagkain na swak sa picnic at pagsaluhan ng pamilya sa isang park, magkuwentuhan, maglaro ng outdoor activity o simpleng mag-relax.

Pero paano ito magagawa ngayong panahon ng pandemya?

Depende sa polisiya ng community quarantine sa inyong lugar, maaari namang gawing simple ang pagsasalo-salo ng pamilya – at gawing al fresco style. Kung may bakuran, maaaring dito pagsaluhan ang meryenda. Samahan din ng mga aktibidad na pampamilya.

Dahil summer din ngayon at hinihikayat na manatili sa bahay, marami sa mga pamilya ang purnada uli ang planong bakasyon. Imbes na magpunta sa mga resort o beach, pwedeng i-upgrade ang picnic at lagyan ng summer twist.

Iba’t ibang ideya ang maaaring makuha sa mga strategy ng mga netizen para makapagsaya pa rin ngayong pandemya kahit pa limitado pa rin ang galaw natin dahil sa pinatutupad na community quarantine.

Maaaring gawin ang mga do-it-youtself na swimming pool na gawa sa lona o kaya’y mag-add to cart sa mga online shop at hanapin ang pinakamurang pool na pasok sa inyong budget.

Tandaan na basta sumusunod sa mga protocol ngayong pandemya, maaari pa rin nating ikonsidera ang pagre-relax, kailangan ito lalo ngayong maraming sa atin ang stress sa mga kaganapan sa bansa.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.