Una sa Balita

PICC, WTC, PSC sports complex 10 araw gagawin para maging quarantine center

0 267

Mangangailangan ng 10-araw ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para mai-convert ang Philippine International Convention Center (PICC), World Trade Center at ilang pasilidad ng Philippine Sports Commission (PSC) para magamit na quarantine center.

Ito ang sinabi ni Atty. Anna Mae Lementilla, DPWH spokesperson kung saan nagawa na ang buong plano para sa mga nasabing pasildad na inaasam na mapaglalagyan ng mga magiging positibo sa nakamamatay na sakit na coronavirus at maging mga person under monitoring (PUMs) at persons under investigation (PUIs).

“The DPWH had proposed a 10-day period to construct PICC, PSC facilities and World Trade Center,” sabi ni Lementilla habang ipinaliwanag ang napagkasunduang plano kasama ang Department of Health para sa pagbuo ng mga gagamiting lugar at pasilidad ng mga health workers at mga pagdadalhan sa mga pasyente.

“They had already started the purchase and mobilization of construction materials to the proper places,” paliwanag pa ni Lementila.

Una nang sinabi ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez na nakahanda na ang malalaking pasilidad sa dalawang sports complex na nasa Vito Cruz sa Manila at Oranbo sa Pasig para magamit na dagdag na lugar sa kinakapos na mga hospital sa bansa sa paglaban nito sa pandemic na virus.

Ipinaliwanag ni Lementilla na katulong ang DOH ay aayusin ang mga pasilidad base sa isang standard plan na makakaiwas sa mga posibleng pagkakahawa tulad sa paglalagay ng mga coding zones, hiwalay na reception at registration areas, may buffer zones, rest areas para sa mga frontliners at magkakahiwalay na lugar para sa mga positibo sa virus at ang mga nasa quarantine na PUMs at PUIs. (Lito Oredo)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More