Una sa Balita

PICC, World Trade Center gagawing quarantine center

0 415

Ilang pasilidad ng gobyerno, hotel at barko ang gagawin alternatibong quarantine facilities dahil sa umaapaw na ang mga ospital sa mga pasyenteng may coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Cabinet Secretary Carlo Nograles, gagawing quarantine facilities ang Philippine International Convention Center, World Trade Center at Rizal Memorial Sports Complex.

Inatasan na ang Department of Public Works and Highways na makipag-ugnayan sa pag-convert ng mga nasabing pasilidad bilang quarantine center.

Ang Department of Transportation ang naatasang maghanap ng barkong gagawin na quarantine center, habang ang Department of Tourism ang tutukoy sa mga hotel.

Nitong Lunes, napaulat na isang COVID positive sa Tondo, Maynila ang pinauwi ng ospital sa kanyang inuupahan subalit hinarang siya ng mga residente ng barangay sa takot na mahawaan sila.

Napilitan ang mga awtoridad na maghanap ng ibang lugar kung saan magku-quarantine ang lalaking asymptomatic.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More