Una sa Balita

Pia Wurtzbach sariling sikap sa pagtulong sa mga bayani sa ospital

0 712

Bukod kina Angel Locsin, Bela Padilla, Heart Evangelista, hindi rin dapat kalimutan, o balewalain ang effort ng mga sikat na personalidad sa pagtulong na ginagawa nila.

Tulad ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, na sa sarili niyang pamamaraan ay tumutulong talaga siya. Makikita sa Instagram story niya ang effort na bumili ng maraming surgical mask para ibigay sa mga frontliner natin sa ospital, o mga health worker.

Ipinu-post ni Pia ang pamimigay niya ng tulong biglang pagkilala na rin sa mga taong nagbibigay ng donasyon sa kanya. At ang nakakatuwa, o nakaka-touch kay Pia, siya mismo ang naglalagay sa mga kahon, plastik ng mga surgical mask na ibinibigay niya sa mga ospital.

Bea, Vhong namigay ng merienda, bitamina sa mga health worker

Sanib puwersa naman sina Bea Alonzo, Vhong Navarro, sa pagbibigay ng pagkain sa mga health worker. Katuwang nila ang I Am Hope Organization na ang misyon nga ay… ‘We stand behind the FRONTLINERS, in the battle against COVID-19.’

Ang latest na ginawa nilang pagtulong ay sumama nga sila sa pagbi-bake ng ube pandesal na pang-merienda ng mga health worker natin.

At bukod sa pagkain, may kasama ring vitamin c, face shields, face masks, ang pinamimigay nila.

Mabuhay kayo I Am Org, pati na sina Bea at Vhong.

Joshua, Julia movie pinagkaguluhan sa iWant

Certified hit ang pelikulang “Block Z” nina Julia Barretto at Joshua Garcia sa iWant matapos itong magtala ng pinakamaraming manonood sa unang dalawang araw ng pagpapalabas nito sa platform.

Sa halagang P30, makakapanood na ng “Block Z” sa iWant at maaari na rin itong ulit-ulitin sa loob ng pitong araw. Ang pelikula ay idinirek ni Mikhail Red at sinusundan ang pakikipagsapalaran ng isang grupo ng mga estudyante na matakasan ang mga zombie sa kanilang paaralan.

Sa Biyernes (Abril 9,) mapapanood na rin ng iWant users ang “James and Pat and Dave,” ang Star Cinema movie nina Ronnie Alonte, Donny Pangilinan, at Loisa Andalio.

Samantala, pinag-usapan naman sa social media ang pagdating ng “Block Z” sa iWant pati na sa KBO ng ABS-CBN TVPlus, kung saan nagtala rin ang pelikula ng pinakamaraming nanood sa unang araw nito. Nasa iWant at KBO na ang pelikula tatlong buwan matapos itong ipalabas sa mga sinehan.

Ayon sa Twitter user na si @MelvinMCMXCVIII, “Didn’t get to catch Block Z on cinemas good to know that @iwant offered PPV for it that made me able to watch it this time. Epic film indeed with a touch of international cinematography. I’m rooting for a sequel.”

Pinanood naman ni @iamanjelofactor ang parehong iWant original series at Star Cinema movie ni Julia at sinabing, “Jusko. From I AM U to Block Z ni @barrettojulia. Super ganda. Super recommended movie. Watch this via @iwant app. Talagang ginising ko pa family ko to watch this film para sulit naman ‘yung rent.”

“Ikalawa ko nang panonood ‘to. Pinakauna sa sinehan. Ngayon mas na-appreciate ko na ang maliliit na details. Nood kayo guys, nasa iWant,” pahayag naman ni @KenethJeferson.

Samantala, parami nang paraming Pilipino naman ang nanonood ng mga libreng 1,000 pelikula sa iWant matapos tumaas ng triple ang itinaas ng panonood o views nito noong Marso kung kailan nasa bahay lang ang mga tao sa Luzon dahil sa enhanced community quarantine.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More