Una sa Balita

Pia Wurtzbach rumampa sa New York Fashion Week

By
0 2,981

Time out muna si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa shooting ng kanyang pelikula at lumipad ito patungong New York City para sa taunang New York Fashion Week 2018.

Kasama si Pia sa magsusuot ng bagong collection ng designer na si Sherri Hill. Sa kanyang Instagram posts, makikita na sinusukat ni Pia ang mga isusuot niya sa runway show ng Sherri Hill.

Ang unang pagrampa ni Pia sa NYFW ay noong 2016 at first time niyang­ mapasama sa isang global­ fashion event.

Ang fashion brand na Sherri Hill ang nagpo-provide ng mga formal evening wear para sa candidates ng Miss Universe pageant.

Nadamitan na rin ng Sherri Hill ang mga malalaking celebrities tulad nila Bella Thorne, Hailey Baldwin at Selena Gomez.