Una sa Balita

Pia Wurtzbach kumpirmadong ahas

By
0 1,695

May nasagap kaming chika na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na ang gaganap bilang Valentina sa Darna movie na pagbibidahan ni Liza Soberano.

Galing daw sa Star Cinema ang leak tungkol sa pagiging Valentina ni Pia. Although wala pa namang kumpirmasyon kay Pia o maski sa ibang tao na kabilang sa produksyon ng Darna movie, pero marami na ang aprubado dito.

Dalawang taon na ngang pinag-uusapan ang paggawa ng “Darna” ni Liza, at ngayon nga lang ulit may lumabas na chika tungkol dito.

Pero ang sabi nga, tinanggap na umano ni Pia ang role niya bilang Valentina. Kaya lalong nai-excite ang mga fan.

Actually, may chika nga na ang una talagang peg para sa Valentina ay si Anne Curtis. Bagay na bagay nga raw ‘yon kay Anne.

Pero, marami rin daw pelikulang gagawin si Anne ngayon na puro siya ang bida.

Well, wait na lang tayo sa final announcement mula sa mga producer, pero kinum­pirma na nila na late 2018 nang simulan nilang ­ayusin ang pelikula.

Pero teka lang, may pelikula nga si Liza na ginagawa ngayon, at si Enrique Gil ang ka-partner niya na ipalalabas sa Valentine’s Day mismo.

Meaning, tengga na naman ang Darna movie? So ano nga ba talaga? Well, wait na lang tayo sa final say ng cast and producer!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy