Una sa Balita

Pia W., nakakaalarma ang ‘kapayatan’!

By
0 1

Nasa Las Vegas si Miss Universe Pia Wurtzbach ngayon, para sa coronation night ng Miss USA.

At sa mga photos and videos na pinu-post ng Miss Universe Instagram account, pati na ng personal account mismo ni Pia, makikita nga ang malaking pagbabago sa kanyang katawan.

Medyo worried na ang netizens, dahil sa sobrang pagpayat daw ni Pia. At oo nga, ‘yun nga ang una mong mapapansin, kapag nasilip mo na ang mga photos niya, at maikukumpara mo nga sa mga photos niya nung bago-bago pa lang siyang Miss Universe.

Request nga ng mga faney niya, na enough na muna ang pagpapayat, at parang hindi na healthy ang dating. Pero sey agad ng iba niyang fans, hindi naman porke payat, hindi na healthy, at hindi naman porke mataba, healthy na.

Anyway, marami rin naman ang natutuwa sa bagong alindog ni Pia ngayon. Pang-Supermodel nga raw ang dating, at mas carry na nitong dalhin ang lahat ng klaseng gowns na ipasuot sa kanya.

Mas bongga na rin siyang mag-pose ngayon, dahil pang-Supermodel na nga ang kaseksihan niya.

Well, dahil Miss Universe nga kasi si Pia, kaya lahat ng pagbabago sa katawan niya, sa mukha niya, o kilos niya, napapansin. Lahat ng sinusuot niya, nagiging isyu sa mga followers niya.

Pero ang mas bongga lang na malaman sa ngayon, alam mong nagi-enjoy ang kababayan natin sa mga ginagawa niya ngayon, ‘di ba?

Bitoy vs Jose bilang Duterte, kanino ang boto ninyo?
Ai Ai at Arnell, bakbakan na!

Sobrang ini-enjoy ni Ai Ai delas Alas ang bakasyon niya ngayon sa Amerika, kasama ang dalawa niyang anak, sina Sophia at Shaun. Pareho ngang nasa US ang dalawa niyang babies, at ang panganay lang niya na si Sancho ang nasa Pinas ngayon, na nag-aartista na nga.

Sobrang proud si Ai Ai kay Sophia, na bukod sa nag-aaral na, ay nagtatrabaho pa rin.

“Proud of you, nak. Nag-aaral na, nagwu-work pa. Very good girl. Labyu so so…” sey ni Ai Ai sa photo nila ni Sophia.

Sobrang natutuwa naman si Ai Ai na kapag nasa US siya ay napagsisilbihan din niya si Shaun, na itinuturing niyang sobrang mabait na anak.

Anyway, ngayong gabi ay sasabak si Ai Ai sa isang matinding laban, at `yun ay ang laban nila ng kaibigan niyang si Arnell Ignacio.

Sina Ai Ai at Arnell nga ang magbabakbakan sa second season ng Lip Sync Battle Philippines. At kung na­ging matin­di ang labanan sa unang season nina Dennis Trillo at Rom Rodriguez, sobrang riot naman ang bakbakan ngayong gabi.

Sina Ai Ai at Arnell ay parehong mahusay magpatawa, at bigay-todo sa bawat performances na ginagawa nila. At sabi nga nila, ngayong gabi, walang kaibi-kaibigan, dahil laban kung laban ang gagawin nila.

At siyempre, may pasabog din sina Michael V at Iya Villania para sa mga fans nila, ha!

First time niyo ngang makikita si Bitoy bilang si Duterte, na unang ginawa ni Jose Manalo sa Sunday PinaSaya. At siyempre, hindi pakakabog si Iya, na nag-ala-Robredo rin naman.

Ay teka, bakit nga ba hindi pagsabungin sina Jose at Bitoy sa Lip Sync Battle Philippines?

Pareho silang mag-perform bilang si incoming-president Rodrigo Duterte, ‘di ba? I’m sure, sobrang aliw `yon para sa mga fans, ha!