Una sa Balita

Pia W., ‘Sexiest Woman Alive’!

By
0 1

Hindi na kataka-takang tangha­ling bilang ‘Sexiest Woman Alive’ ng Esquire Philippines si Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach. Sa isang Instagram post, pinasilip ng Esquire Philippines ang magiging cover ni Queen Pia.

“Seven months after her coronation and more than halfway into her reign, Miss Universe comes home, strips down, and bares the heart beneath her confident beauty. She speaks to ESQUIRE about pa­geantry, persistence, and practicing what she preaches.”

Suot nga ni Pia sa cover ay Thread 365 at Louis Vuitton.

Simula noong manalo si Pia bilang Miss Universe, halos lahat na ng major magazines sa Pilipinas ay naging cover girl siya. Kabilang na rito ang Philippine Tatler, Cosmopolitan Philippines at marami pang iba.

Andre, ‘in-unfollow’ si Barbie sa Twitter!
Barbie, masakit na ang lalamunan sa kagagaya kay Kris!

Na-bother ang mga fans ni Barbie Forteza sa balitang hindi na raw siya pina-follow ni Andre Paras sa Twitter. Tanong ng mga fans ay kung totoo man ito, ano raw ang dahilan para i-unfollow ni Andre si Barbie? Dahilan kaya ang pag-amin ni Barbie na dine-date siya ngayon ni Kiko Estrada?

Sey naman ng ibang fans na wala naman daw dapat na ikaselos si Andre kay Kiko dahil hindi naman daw nito pinormahan si Barbie. Marami raw kasing nakakaalam na dine-date din daw ni Andre si Yassi Pressman.

Nanghihinayang lang ang mga fans dahil bagay pa naman daw sila Barbie at Andre. Hinihintay pa naman nila ang susunod nilang teleserye na magkasama.

barbie-andre-005
Barbie Forteza at Andre Paras

Pero kailangan alamin kung totoo nga ang unfollow issue na ito ni Andre kay Barbie.

Anyway, kinatutuwaan ngayon si Barbie dahil sa paggaya niya kay Kris Aquino sa Starbuzz segment ng Sunday PinaSaya. Inamin ng Kapuso Teen Queen na masakit sa lalamunan ang gayahin si Kris e­very Sunday.

“Nagkaroon lang po ng segment na Miss Barangay tapos naging host sina Kissy Anino at Boy Amunda na si Sir Wally Bayola.

“Sinubukan lang po nila tapos noong sumunod na linggo ay nagkaroon na ng StarBuzz na segment.

“Nauubusan na nga po ako ng dilaw na damit! Ha! Ha! Ha! Ha!” sabay tawa ni Barbie na mala-Krissy.