Una sa Balita

Pia W., ‘di nagpakabog sa ganda at alindog ni Jennifer Lopez!

By
0 284

Hanggang ngayon, parang hindi pa rin makapaniwala ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach, sa mga nangyayari sa buhay niya. Lahat ng tinatamasa niya ngayon, pakiramdam niya ay panaginip pa rin.

Kunsabagay, ang makihalubilo ka ba naman sa mga sikat na tao sa buong mundo, parang panaginip naman talaga, lalo na sa kaso ni Pia, na talagang naghirap muna bago maabot ang pangarap na maging Miss Universe Philippines, hanggang sa naging Miss Universe nga last year!

Sa loob ng anim na buwan, ilang bansa na rin ang napupuntahan ni Pia. Mga bansa na TV o movies lang niya nakikita noon.

At oo nga, pati mga sikat na personalidad sa mundo, na sa TV at movies, o magazines lang niya nakikita noon, ngayon ay nakaka-elbow to elbow na niya, ha!

Like recently nga, nakasama nila ni Miss USA 2015 Olivia Jordan si Jennifer Lopez.

“Jennifer Lopez – All I Have at the Axis Theatre at Planet Hollywood. Channeling my inner @jlo as I head to her concert,” caption ni Pia sa photo niya na rumarampa ang mega-emote ala-Jennifer Lopez.

At sa next photo niya, kasama na nga niya si Olivia, at si JLo mismo.

“This happened and it was wonderful. @JLo you are #goals. @missusa and I were loving this,” sey ni Pia.

Anyway, check niyo ang photo nila, at masasabi niyo nga, hinding-hindi nagpakabog si Pia sa ganda at alindog ni JLo, ha!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More