Una sa Balita

Pia umaming nagdusa sa finger

0 748

Tulad ni Liza Soberano, nagtamo rin ng finger injury si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Ang pinky finger ni Pia sa right hand ang na-injure at halos apat na linggo na nakabenda ito sa isang splint.

Hindi naman binanggit ni Pia sa kanyang Instagram story kung paano niya na-injure ang kanyang daliri.

“So I’ve been wearing this splint for almost four weeks now and tomorrow it finally comes off! I broke my pinky finger,” post pa ni Pia noong nakaraang July 14.

Nataon pa raw na noong ma-injure ang daliri ni Pia ay sunod-sunod daw ang photo shoots niya. Kaya parati raw nakatago ang kanang kamay niya para hindi makita ang splint.

Noong araw na matanggal na ang splint dahil naka-recover na ang kanyang pinky finger, pinost agad ni Pia sa social media ang behind-the-scenes ng kanyang photo shoot at ang muling pagbabalik ng kanyang matagal na tinagong kanang kamay.

“And now making a comeback appearance… my right hand!” post pa ni Pia.
Kasalukuyang busy rin si Pia sa pelikula nila ni Vhong Navarro. (Ruel Mendoza)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More