Una sa Balita

Pia ugat ng hiwalayan nina Bea at Gerald

Gimik sa pelikula ng Star Cinema?

By ,
0 7,786

Dapat lang sigurong linawin ni Bea Alonzo ang issue tungkol sa pag-unfollow niya sa boyfriend na si Gerald Anderson at kay Pia Wurtzbach, huh! Dahil sa ginawang ‘yon ni Bea, parang duda tuloy ang mga netizen na baka there’s something romantic goin­g on between Gerald at Pia na co-stars sa My Perfect You.

May selos factor nga ba sa part ni Bea kaya nagawa niyang i-unfollow ang dalawa?

Ang alam ko kasi, maayos ang relasyon nina Gerald at Bea at hindi na nga nila inililihim ang tungkol doon dahil nasabi pa nga ni Gerald na more than a year na simula nang magkabalikan sila ni Bea, ‘noh?!

So, ano kaya ang magandang paliwanag ni Bea sa ginawa niyang ‘yon?

The netizens are waiting, Bea!

Naku, siguradong marami ang malulungkot sa chika na ito. Eh, ang dami pa namang sang-ayon sa relasyon nina Bea at Gerald, na bagay nga raw ang dalawa. At wish nila na ang dalawa na ang magkatuluyan.

At si Pia naman, may Marlon Stockinger na, at botong-boto rin naman ang lahat sa relasyon na ito ng dalawa.

Kaya sana ay linawin na agad ni Bea ang tsismis na ito, kung bakit niya in-unfollow ang Instagram account nina Pia at Gerald?

***

Umiinit ang intriga sa pagitan nina Bea at Pia! Siyempre, sa gitna nila ay sangkot ang leading man ni Pia sa pelikulang My Perfect You na si Gerald.

Tinanggal na ni Bea sa kanyang IG ang poster ng nasabing movie na in support niya sa dalawa na first time na magkasama together. Maging ang mga picture ni Gerald ay lost in space rin sa kanyang account pati na ang congratulatory message niya sa pagkapanalo ni Pia sa Miss U noong 2015.

Pero, ang dalawa, patuloy pa ring pina-follow ang Kapamilya actress sa kani-kanilang accounts. May selosang naamoy ang mga netizen, at tuluyan na nga bang niligwak ni Bea sa buhay niya si Gerald pati na ang friendship nila ni Pia na nagsimula noong Star Magic at K2BU days nila?

Woman instinct ba ang tawag dito sa part ni Bea na ang feeling niya ay may ‘mister­yong’ namamagitan sa dalawang matagal na nagkasama sa liblib na lugar habang sinu-shoot ang pinag-uusapang movie nila together?

Para i-unfollow ni Bea ang dalawa, sabay bura ng mga memorable pictures nito, kaloka yon, ha! Well, hinihintay ng publiko ang paliwanag ni Bea o nina Ge at Pia sa aksiyong ito ni Bea.

Lalo na at nakakaintriga rin ang post ng kampo ni Bea, ng hairstylist niya, tungkol sa malalanding lalaki at babae.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy