Una sa Balita

Pia talbog kay Catriona sa talino, Miss USA ‘14 nadamay sa gulo

0 1,343

Ni: Glenn Regondola

Ang dating Miss Universe First Runner up at isang ‘vlogger’ ngayon na si Miss USA 2014 Nia Sanchez ang nagsabi sa mga netizen na tigilan na ang pagkukumpara ng mga ito kina Miss Universe 2015 Pia Wurtz­bach at 2018 Miss Universe Catriona Gray lalo na pagda­ting sa mga interview.

Ayon kay Ms. Nia, iba ang kakayahan ni Catriona kaysa kay Pia pero parehong magaling ang dalawa.

Although, mas native nga ang twang ni Pia pero nakaka-express naman ito nang maayos ng kanyang damda­min at sariling opinyon at punumpuno naman ito ng laman.

Si Catriona ay lumaki sa Australia kaya ‘yung accent niyang ‘yun na very foreign ay expected of her, lalo na at magaling din nga siyang mag-express o magpaliwanag sa anumang topic na pinag-uusapan.

Pero, sa kabila nito ay may mga nang-bash din kay Nia saying na bitter lang daw ito dahil hindi siya nanalong Miss Universe 2014 na dapat siya sana ang kokorona kay Pia, pero ipinagdidiinan naman niya na that’s beside the point.

Meron ding nagtatanggol sa kanya lalo na ‘yung mga akusasyon na nagpapadagdag lang siya ng mga Pinoy follower sa kanyang vlogs kung saan ayon sa mga Pinoy, noon pa man ay mahilig na ring mag-opinionate ito at hindi lamang para magkaroon ng Pinoy followers.