Una sa Balita

Pia super atat na sa wax figure sa HK

0 762
 
 
Excited naman si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na makita na ang kanyang wax figure na magkakaroon ng unveiling soon sa Madame Tussaud’s Hong Kong.

 

Sa latest post ni Pia sa Instagram, sinabi nito na lilipad siya papuntang Hong Kong para sa event sa Star Hall, KITEC sa February 17 pero bibista muna siya sa Madame Tussaud’s para masilip ang kanyang wax fi­gure na ipupuwesto raw sa entrance ng museum.

 

 

“I’ve seen her with a bit of hair and face, but there’s no color in my last one. It feels surreal to see yourself in it and realise that that’s what you look like,” post ni Pia na siyang kauna-unahang Pilipina na magkaroon ng wax figure sa Madame Tussaud’s.

 

Pero kelan lang ay nakatanggap ng paninita si Pia mula sa ilang netizens dahil tila hindi raw nito tinutupad ang kanyang advocacy sa pag-raise awareness on HIV/AIDS.

 

Tulad daw ni Miss World Philippines 2018 Katarina Rodriguez, kung anu-ano raw ang mga pino-post nila sa social media na hindi raw relevant sa advocacy nila.

 

 

Heto naman ang naging sagot ni Pia: “Just to get some things straight. I haven’t forgotten about my advocacy, okay? I’m so tired of people complaining that I haven’t found “the cure” for HIV when clearly I said I would raise awareness. I’m not magically gonna come up with a potion that cures ­everything.

 

 

“I said I would raise awareness. Putting the spotlight on it so we can start talking about it. Just like during the competition, I wasn’t posting my everyday pageant activities and that has upset a lot of fans. They thought I wasn’t doing any effort.” 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy