Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pia sangkatutak kamot, cellulite sa puwet

0 121

Hindi totoong isang daang porsiyentong maganda, makinis, o perpekto si Pia Wurtzbach, kung ang pagbabasehan ay ang mensahe niya sa Instagram, kung saan ay muli niyang inilabas ang kanyang alindog.

Makikita sa post na naka-2 piece bikini si Pia at patagilid ang kuha ng kanyang katawan. Nakaupo si Pia at kinunan niya nang malapitan ang kanyang pigi o gilid na bahagi ng kanyang puwet.

Masisilip ang mga imperfection sa balat ni Pia, gaya ng mga cellulite at stretchmark.

Sa simula ay nag-alinlangang si Pia na i-post ang larawan dahil sa pag-aalalang mapingasan ang beauty queen image niya at mapintasan nang husto.

“We’re more than a number on a scale, a filter on Instagram, or the opinion of other people. Was a bit hesitant to post this pic cause I’ve been called so many names over the years, but you know what, this body has carried me through life, and I will honor it – cellulites, jiggles and all.

“Best to just shake off any negative comments (pun intended) right,” sabi ni Pia.

Pero sa paningin ng kasintahan nyang si Jeremy Jauncey, hindi napingasan kahit katiting ang ganda at kinis ng Pinay actress.

“You look beautiful to me!” sabi ni Jeremy. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.