Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pia saludo sa tapang ni Zoey: Ka Tunying durog ang puso sa anak na may leukemia

0 260

Isang taon na pala ang lumipas at binalikan namin ang ilang pagkakataon sa isang taon na nakakausap namin ang mag-asawang Ka Tunying (Anthony Taberna) at ang misis niya na si Rossel Taberna, hindi mo mararamdaman na may mabigat na pinagdadaanan ang pamilya nila.

Saktong 1 year nang ni-reveal ni Ka Tunying sa pamamagitan ng kanyang social media at gayundin ng kanyang panganay na anak na si Zoey na isang taon na pala silang nakikipaglaban sa sakit na leukemia.

December 2 nang unang isinugod sa hospital si Zoey na 11 year old pa lang noon dahil sa hindi raw mailakad ang paa at masakit ang binti hanggang hita.

Sabi nga ni Ka Tunying, bilang magulang, talagang kung pwedeng akuin na lang niya ang nararamdamang sakit ng anak. Pero nakaka-inspire si Zoey at ang ipinapakita nitong katapangan at pananalig na siya ay gagaling sa sakit na ito.

Ibinahagi rin ni Ka Tunying ang larawan ng anak nang magdesisyon itong magpakalbo na.

Ayon kay Ka Tunying, “Hindi ko akalain na papayag si Zoey na ipakita sa madla ang larawan na ito. Nakangiti siya pero alam kong durog na durog ang puso niya nung nag umpisang malugas ang kaniyang buhok dahil sa chemotherapy. Nung pumayag si Zoey na magpakalbo at nalaman kong papunta na sa ospital ang misis ko kasama si Ate Tet, umalis na muna ako. Akala ko ay malakas na ako. Marupok pala. May video habang kinakalbo si Zoey. At tuwing makikita ko iyon, hindi ko
mapigil ang pagpatak ng aking luha. Ang wala o maikling buhok ang isa sa dahilan ng insecurity ni Zoey. Pero nung makita kong ipinost niya, nagpaalam ako na ipo-post ko rin. Hanga ako sa tapang ng aming panganay. I love you, Zoey. Andito pala ang kaniyang instagram, may post siya tungkol sa kaniyang journey.”

Ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach ang isa sa nag-comment sa post na ito ni Ka Tunying at nagsabi kung gaano niya hinahangaan ang panganay ng broadcaster/radio announcer.

Sabi ni Pia, “Unless I am mistaken I’ve never met your baby girl before but please pass my munting message that I admire her for her strength. Kahanga hanga yung lakas ng loob nya na harapin ang pagsubok na to ng buong tapang. Magpagaling ka Zoey. In Gods grace po malalampasan nyo rin ito.”

Gayundin ang ibang netizens at celebrities na nagpahatid ng paghanga at dasal na malalagpasan nila itong pamilya.

Ritz humugot sa sakit ng ina

Mismong ina raw ni Ritz Azul ang pinag-aralan niya para sa kanyang naging character sa The Missing. Ang naturang pelikula ang isa sa horror film ngayong MMFF 2020 sa direksiyon ni Easy Ferrer under Regal Films.

Ni-reveal ni Ritz na ang nanay niya ay may depression kaya naging madali sa kanyang pag-aralan ang character niya.

“Sa character ko po, medyo nakapag-prepare ako ng maayos dahil yung nanay ko po mismo, meron siyang depression. Siya yung pinag-aralan ko kung paano siya mamuhay bilang may depression.

“At ang kagandahan din po ng movie namin, hindi lang siya may horror sa labas, may horror din siya sa loob bilang tao.”

Dapat ay ipalalabas noong MMFF Summer ang The Missing pero dahil sa pandemic, hindi ito naipalabas. Kaya safe ang movie nila na nagawa at natapos nila pre-pandemic pa lang.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.