Una sa Balita

Pia reyna ng mga diyosa

0 469

Reyna ng lahat ng mga diyosa nga ang tawag kay Pia Wurtzbach ng mga bading, dahil oo nga naman, apat na taon na ang nakalilipas (2015 kinoronahang Miss Universe), pero heto nga at parang bagong-bagong korona pa rin ang dating niya, ha!

Ayun na nga, may matinding pasabog ulit, at ulit, at ulit si Pia sa mga fan niya, na makikita sa Instagram niya. Kaloka nga na kahit anong kulay ng 2-piece bikini ang suutin niya, lutang na lutang pa rin talaga ang kanyang kagandahan, kaseksihan.

Malabo ngang ma-‘body shame’ si Pia, dahil saksakan pa rin talaga ng ganda ng kanyang alindog. Alam mong hindi talaga niya pinababayaan ang kaseksihan niya.

Sabi nga nila, kung isasabak ulit si Pia sa mga beauty pageant ngayon, panalong-panalo pa rin ito. Mula sa ganda ng mukha, hanggang sa vital statistics, bongga talaga.

Eh, ang laki pa ng boobs niya, kaya lalong nagkakandarapa ang mga boylet sa kanya. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy