Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pia pumalag sa ‘pang-aabuso’

0 139

‘No To Gender Violence’ ang sigaw ni Pia Wurtzbach sa kanyang Instagram. ‘Stop the Violence’ rin ang nakalagay sa dapat sana ay location niya sa kanyang IG.

Sa photo na pinost niya na black and white, nakasulat din sa kanyang kamay ang ‘No To Gender Violence’.

Bukod pa ang mga hashtag na: #EndGBV #FamiLigtasPH #NoToGenderViolence #StopGBV #oct242020.

Hindi malinaw kung may kinalaman ito sa nangyayari kina Angel Locsin, Liza Sobserano, Catriona Gray, pero malinaw ang mensahe ni Pia, na hindi dapat umiral ang pang-aabuso.

SM food to go Banner Ad

At sa dulo ng post ni Pia, may mga numero (8532-6690) na dapat tawagan ang mga nakakaranas ng pang-aabuso.

Kakampi niyo kami laban sa ‘Gender-Based Violence’! Tumawag sa 24/7 AVAWCD hotline.

Anyway, umani ng papuri si Pia mula sa kanyang mga follower, dahil sa paninindigan, adbokasiya niyang ito, na pagtulong sa mga inaabuso, inaapi.

Anyway, noong i-check ko ang hashtag na #FamiLigtasPH, nakita ko na bukod kay Pia, maraming kababaihan din ang nagi-endorse nito. Tulad nga nina Zen Hernandez, Zsa Zsa Padilla, Giselle Sanchez, Karen Davila, at may mga lalake rin na tulad nina Anton Barretto, Raul Manzano. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.