Una sa Balita

Pia pinagtanggol ang ‘kapalpakan’ ni Vickie

0 434

By Ruel Mendoza

Pinagtanggol ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang Binibining Pilipinas candidate from Negros Occidental na si Vickie Rushton sa bashers nito dahil sa hindi magandang sagot nito sa Q&A portion ng pageant.

Dahil sa hindi magandang sagot ni Vickie kaya wala siyang napanalunan ni isa sa anim na beauty titles ng pageant kahit na siya ang most awarded candidate nang gabing iyon.

Ayon kay Queen P, ang Q&A portion ang pinaka-overwhelming part ng pageant at kahit na ang most prepared candidate ay may pagkakataong nadi-distract at name-mental block dahil sa pressure.

“My heart also breaks for Vickie. I hope she can try again. I believe this girl is smart. Nerves can happen to even the best of us. It’s not easy to compete. Keep your chin up, Vickie,” post pa ni Pia sa kanyang Instagram account.

Katwiran ni Vickie na kaya hindi niya nasagot nang maayos ang tanong sa kanya ng judge na si Daniel Padilla ay dahil na-distract daw siya sa ingay ng audience. Meron pa raw nag-make face sa kanya kaya lalo siyang nataranta.

Ang tanong sa kanya ni Daniel ay: “Why is mental health as important as physical health?”

Heto ang naging sagot ni Vickie: “Mental health is as important as physical health, because of our inner b­eing. Having self-love is important. And as a woman, I can inspire and empower the people to take care of themselves, to take care of their mind as well as their health. Because they will be as effective.”

Payo ni Pia kay Vickie na huwag itong mag-give up at sumubok pa ito ulit. Speaking from experience, tatlong beses na sumali si Pia sa Bb. Pilipinas hanggang sa mapanalunan niya ang Miss Universe Phi-lippines crown in 2015 and eventually naging Miss Universe siya.

Pero may ibang nagsabi na baka last chance na iyon ni Vickie dahil 27-years old na siya. Kung sasali pa siya next year, considered na overage na siya para maging kandidata ng beauty pageant.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy