Una sa Balita

Pia, pinaglalaban si Steve Harvey as Miss ‘U’ host!

By
0 141
pia-steve
PIA WURTZBACH at STEVE HARVEY

Pinaglalaban ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach na ang American TV host na si Steve Harvey ang maging host pa rin ng Miss Universe beauty pageant na gaganapin dito sa Pilipinas.

Hindi kasi pabor si President Rodrigo Duterte na si Harvey ang maging host dahil sa ginawang kapal­pakan nito sa pag-announce ng winner.

Naagawan kasi ng moment si Pia sa maling pagbasa nito ng nanalo sa Miss Universe noong nakaraang taon.

Pero para kay Pia, tapos na raw iyon at nag-apologize naman si Harvey sa mismong pageant at sa kanya mismo.

Sa katunayan ay nag-post pa si Pia ng isang throwback photo during the Q & A portion ng Miss Universe last year.

“#TBT to the night that changed my life. @iamsteveharveytv let’s do it again and change someone else’s life,” post pa ni Pia.

Nakakontrata si Harvey ng limang taon sa Miss Universe organization kaya automatic na siya ang magiging host gustuhin man o hindi ni President Duterte.

Pero gagawa raw ng paraan ang President na kausapin ang Miss Universe ­organization para sabihin na palitan si Harvey dahil ayaw niyang maulit ang ­“disaster” na ginawa nito sa naturang pageant.

Ayon naman sa Tourism Secretary Wanda Teo, kinakausap na niya ang ­President para mapatawad na nito si Harvey.

“I’ve known him (Duterte) for many years as our mayor with a big heart for forgiveness to well-meaning people like Mr. Harvey, who did not hesitate to ­correct his mistake, thus changing the life of our very own Bb. Pilipinas-­Universe Pia Wurtzbach.

“Pia herself has a magnanimous heart to appreciate the way Mr. Harvey stepped up to redeem himself. I expect the same sense of forgiveness and class act among Filipinos.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More