Una sa Balita

Pia nandiri sa jersey ni LeBron

0 705

Naka-gloves talaga ate?

Hype mode ang mga basketball ­fanatics dahil sa NBA All-Star weekend. Nitong Lunes (sa Pilipinas) nga ay nagharap-harap ang pinaka magagaling na players sa mundo ng basketball.

Isa sa mga mapalad na maging bahagi ng patok na NBA event si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kung saan naging insider nga siya sa mga kaganapan doon.

Nang matapos ang All-Star game, nag-post si Pia sa ­kanyang Instagram habang ibinibida ang sinuot na jersey ni LeBron James.

“The wet (from the sweat) jersey from a champion. ­Congratulations #Team­LeBron (heart emoji).

“If you’re a die hard collector, this jersey (among others) are available for auction at auctions.nba.com on Tuesday! All proceeds will go to the Mamba Mambacita Sports Foundation (ball and heart emoji) #NBAAllStar,” post ni Pia.

Marami naman ang nakapansin at pumuna, kung bakit ­kailangang naka-gloves si Pia habang hawak ang jersey ni LeBron.

Komento ni ladyassc020, “Wow sana all (lol emoji). Naka gloves pa talaga ‘di puwede siguro hawakan ‘pag walang gloves protection hehehe.”

Nag-reply naman si Queen Pia, “Puwedeng hawakan ng walang gloves. Pero basang basa kasi kaya nag provide sila (smile emoji).”

Sa mga comment section ay mambabasa rin ang ilan na tila sarkastikong tinatanong si Pia kung mabango ba ang jersey ng tinutu­ring na best basketball player sa kasalukuyan.

Collector’s item ngang maituturing ang jersey na ito ni LeBron, kaya siguro ganoon na lang kaingat si Pia na mabawasan ang dami ng pawis na nahigop nito habang naglalaro si James?

Eh ‘di ba nga, kapag gusto ­talagang i-preserve ang mga ­artifact, need na naka-gloves? So, hindi naman siguro sa nag-iinarte si Pia, and that’s a fact! Agaw eksena lang kasi ang gloves. (Jun Lopez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More