Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pia muntik mabaliw sa iskandalo ng ina, kapatid

0 548

Inamin ni Pia Wurtzbach na naapektuhan ang kanyang mental health dahil sa naging alitan ng kanyang inang si Cheryl Alonzo Tyndall at kapatid na si Sarah.

Hindi raw sanay sa eskandalo si Pia at ang nangyari sa kanyang pamilya ay isa raw sa nag-trigger ng anxiety at stress sa kanya kaya matagal niyang hindi ito pinag-usapan.

“I don’t think it’s any secret what happened to me last year, what happened to my family. It was a very public thing. Everybody was talking about it. Nakikita ko siya sa mga balita, matagal. Hindi lang siya isang araw; ilang araw siya. I don’t want to talk about that anymore. But, of course, it affected me,” sey ni Pia.

Kung hindi raw dahil sa boyfriend na si Jeremy Jauncey, baka raw hindi kinaya ni Pia ang bigat na naramdaman niya noon sa kanyang pamilya. Napanatili raw niyang positibo ang lahat dahil sa tulong ni Jeremy.

“Jeremy saw everything. He saw how it affected me in real life. It was hard to be in the middle of all of that and to see your family not okay. Thankfully, everything is okay now. All is good. But nung mga panahon na iyon, iba kasi ‘yung kapag may problema kayo sa family niyo tapos kayo-kayo lang ‘yung nakakaalam. Mas mahirap kapag alam ng buong mundo.

“Sometimes, you have to go through the motions. You will go up and down. Kailangan kasi nakaka-stress din kung parati mong iniiwasan ang problema o negativity. Minsan naman hindi mo maiiwasan.

“Jeremy was with me through all of it. He saw it. He was very supportive. Buti na lang nandoon siya at kinaya ko naman. Naayos din naman ang lahat. I still think things could be better. Ganyan ang buhay, guys. Hindi tayo pwedeng magmukmok lang. Kailangan natin tumayo at lumaban at magkaroon ng pag-asa.” (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.