Una sa Balita

Pia, Maxine, Rachel ‘di bokya sa mga lalaki

0 352

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyTuloy-tuloy at posibleng humantong na sa kasalan ang romantic relationship ng beauty queen na si Rachel Peters at Camarines Sur Governor Migz Villafuerte.

Naka-poste sa Instagram ni Rachel ang ilang larawan nila ng politiko na kuha sa trip nila sa Safari, South Africa. Sa isang photo ni Rachel, nakasulat sa caption ang pagbati niya ng anniversary sa kasintahan.

Limang taon na ngang magdyowa sina Rachel at Gov. Villafuerte. Kahit mas madalas na namamalagi sa Siargao si Rachel kung saan siya mayroong coffee shop, hindi ito naging hadlang sa kanilang pagmamahalan ni Migz.

At least, walang luhaan sa pag-ibig sa mga beauty queen na sina Rachel, Maxine Medina, MJ Lastimosa at Pia Wurtzbach.

Tanging si Miss Universe 2018 Catriona Gray ang bokya sa pag-ibig ngayon.

Jean Garcia nangatog ang tuhod sa pamamaril

Ayon kay Jay Manalo, isa sa mga dapat abangan sa pelikulang “Watch Me Kill” na entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino ay ang role ni Jean Garcia bilang hired killer.

Sa pelikulang ito gumaganap bilang assassin si Jean, at si Jay ay ang kanyang client.

Sa project na ito, hindi mababakas ang takot ni Jean sa pagpapaputok ng baril. Pero ayon kay Jay, tinatanggihan na ni Jean ang pelikulang ito dahil nangangatog ang tuhod niya kapag humahawak ng baril. Pero, pinilit daw ito ng direktor na si Tye Acierto.

Nag-training si Jean sa pagbaril kaya kahit paano ay nakampante at nawala nang bahagya ang takot sa baril. Totoo naman ang kuwento ni Jay dahil nakabalandra sa Instagram ni Jean ang video ng kanyang gun-firing lesson.

Bagama’t may lambot o lamya pa sa galaw ni Jean habang nagpapalipat-lipat ng lugar para bumaril, matatag na ang hawak nito sa baril habang pumuputok siya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy