PIA AT MARLON, MAGDYOWA PA RIN!

“They’re simply tsismis!” -- Marlon

By

Nilinaw ng Fil-Swiss race car driver na si Marlon Stockinger ang tungkol sa pag-unfollow niya sa girlfriend na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa Instagram.

Marami kasi ang nag-­akala na break na ang dalawa dahil sa pag-unfollow ni Marlon kay Pia.

Ang huling photo pa kasi nila na magkasama na naka-post sa ­Instagram ng dalawa ay noong May 2017 pa.

Pero nagsalita na si Marlon tungkol dito at sinabi niya na tsismis lang daw ang balitang hiwalay na sila ni Pia.

“People just talk about it. But it’s all just that, talk. They’re simply ‘tsismis,” diin pa ni Marlon sa kanyang TV interview.

Ayon kay Marlon, desisyon nila ni Pia na gawin ng pribado ang relasyon nila ni Pia.

“You know, there are things that we both had to deal behind two doors. Things we don’t need to share with everyone else.”

Wala raw nabago sa relasyon nila ni Pia at sila pa rin daw. ­Naisip lang daw nilang maging low key sa kanilang pag-share sa social ­media ng mga nagiging lakad nila ni Pia.

Kung ano raw ang mga quality time nila ni Pia, para na lang daw sa kanila iyon. Ngayon daw ay pina-follow na raw nila ang isa’t isa ulit sa ­Instagram.

‘Yung pag-unfollow daw nila sa isa’t isa before ay isang test lang at gusto nilang makita ang reaction ng mga tao sa ginawa nilang ito.


“We are following each other and there’s no issue.”

SHARE