Una sa Balita

Pia, Marlon hiwalay na

0 620

Sa kabila ng mga nagtutunugang wedding bells dahil sa mga sunod-sunod na wedding proposal ng mga sikat na personalidad, malungkot na break-up naman ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at car racer na si Marlon Stockinger ang gumulat sa mga netizen ngayon.

Kinumpirma nga ito ng manager ni Pia na si Rikka Infantado-Fernandez sa isang ulat.

“Yes, it’s confirmed and you can quote me on that!” sabi ni Rikka.

Aniya, matagal nang may hindi pagkakaunawaan ang dalawa pero naaayos din nila.

“On and off naman na matagal na, but ‘yung final was September pa,” dagdag pa niya.

Kuwento ni Rikka, wala na si Pia at Marlon noong magdiwang ang beauty queen ng kanyang 30th birthday nitong September.

Ayon pa sa ibang ulat, isa umano sa dahilan ng kanilang break-up ay ang pagiging jobless ni Marlon.

As per stalking Pia’s account, kapansin-pansin din na wala na ang mga litrato nilang dalawa ni Marlon.

Sa ngayon umano, isang high profile personality ang masugid na manliligaw ni Pia.

Maraming fan ang nalungkot sa balitang ito, pero bumilib rin naman na hindi halata sa itsura ng beauty queen-actress na mayroon pala itong pinagdadaanan. Tuloy pa rin ang awra nito sa kanyang mga dinadaluhang kaganapan. Real beauty queen, indeed. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More