Una sa Balita

Pia magpapalaplap kay Tony?

0 368

Muling bibida sa pelikula ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach kasama ang hindi pa ipinakikilalang lalake na leading man niya.

Hula ng mga tao ay si Tony Labrusca ang lalaking katabi ni Pia sa picture na ipinost niya sa kanya Instagram. Kung si Tony Labrusca nga, inaaba­ngan na ang maapoy na eksena dahil nagmarka na nga ang “Glorious” role niya, habang obvious naman ang ka­seksihan ni Pia kaya inaasahang magiging mainit ang pelikulang binubuo na iyon.

Naaninag naman ng mga fan sa reflection sa bintana ang itsura ni Vhong Navarro kaya isa rin daw ang host ng “It’s Showtime” sa posibleng katambal nga ni Pia sa bagong pelikula niya.

Well, kanya-kanyang hula nga ang mga netizen sa kung sino ba talaga ang ka-partner ni Pia? Si Vhong nga ba ang lihim na karelasyon niya sa harap ng kamera? O si Tony ba ang makakaeksena niya sa isang ma-Glorious na laplapan?

Abangan! (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy