Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pia Magalona kinuwestiyon boto ni Yul Servo sa ABS-CBN franchise renewal

0 1,012

Viral sa social media ang screenshot na binahagi ni Pia Magalona ng naging pag-uusap nila ni Manila 3rd District Rep. Yul Servo kaugnay sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Nag-private message ang misis ng yumaong Master Rapper Francis Magalona sa mga mambabatas ng, “Uphold your dignity and VOTE YES to ABSCBN franchise renewal. PEACE!”

Nireplayan ito ni Servo ng, “Yes co-author po ako.”

Dalawang linggo ito bago ang naging botohan sa Kamara kaugnay sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Kaya naman nagtaka si Pia na kasama si Servo sa 70 committee member na bumoto pabor sa pag-deny sa Kapamilya network ng prangkisa.

“Tatanong ko lang po re sa vote ni Mr Yul Servo, dahil ang alam ko ay para siya sa approval ng franchise. I wrote all the Representatives in May. Here’s his reply on IG dm. Bakit kasali siya sa 70 na hindi sangayon?” pagtataka ni Pia. (IS)

https://twitter.com/piamagalona/status/1281524914642546689

Leave A Reply

Your email address will not be published.