Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pia, Jeremy feeling honeymooners sa London

0 784

Couple goals nga sina Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey, ha! Na dahil matagal silang hindi nagkasama dulot ng COVID-19, kaya ngayong magkasama sila sa Londo, sinasamantala talaga nila ang pagkakataon.

Bukod sa pamamasyal, pagkain, ang pagdyi-gym nga ang pinagkakaabalahan ng dalawa. Yes, pareho ngang adik sa pagpapaganda ng katawan sina Pia at Jeremy, kaya bongga talaga ang mga katawan, lalo na ang relasyon nila.

“Yes, yes, yes, back in the game…” ang chika ni Jeremy.

At makikita nga sa kanilang mga IG story ang mga video, photo nilang dalawa ni Pia, na subsob sa pagtakbo, pagbuhat ng bakal, pagbisikleta, at kung ano-ano pa.

May mga sumisita lang na habang nagi-exercise ang dalawa ay naka-face mask sila. Hindi nga raw healthy na habang nagpapagod sila ay nakatakip ang kanilang mga ilong.

Pero, may mga nagsasabi na dahil nasa indoor sila, o gym sila, mas maganda na rin na naka-face mask sila, para sigurado.

Well, sa panahon ngayon, hindi mo na talaga alam kung ano ang susundin mo, dahil sa rami ng mga taong gustong patakbuhin ang buhay mo. Pero, ang importante, masaya sina Pia at Jeremy ngayon, kesehodang walang nagaganap na social distancing sa kanila (dahil pareho naman silang COVID free).

Kung titingnan mo nga sila, para silang mga bagong kasal nan agha-honeymoon sa London, eh. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.