Una sa Balita

Pia hindi pang-award ang akting Vice #1 pa rin

By
0 4,570

Kahit hindi nag­labas ang Metro Manila Film Festival Executive Committee ng box office gross sa unang araw ng 43rd Metro Manila Film Festival noong December, ang mga produ­cer ng walong pelikula na kasali ang ‘source’ ng listahan ng Top 5 entries, ang Gandarrapiddo: The Reven­ger Squad ng Star Cinema at Viva Films, Ang Panday ng CCM Productions, Star Cinema at Viva Films, ang Meant To Beh ng Octoarts Films, M-Zet Productions at APT Entertainment, ang Haunted Forest ng Regal Multimedia Inc. at ang Deadma Walking ng T-Rex Entertainment at Octoarts Films.

Certified blockbus­ter ang Gandarrapiddo: The Revenger Squad dahil dati nang malakas ang hatak ni Vice Ganda sa masa at naka­tulong din ang participation nina Daniel Padilla at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa pelikula.

Sinuportahan ng fans nina Daniel at Kathryn Bernardo ang The Revenger Squad na unang pelikula ni Pia bilang bida matapos manalo na Miss Universe noong 2015 kaya curious ang mga tao sa akting na ipapakita niya. Pasado naman ang acting, pero hindi pang-award.

Ang The Revenger Squad ang fifth movie project ni Pia pero mga bit role lang ang ginampanan niya sa apat na pelikula noong aspiring actress pa siya.

Anna-Laurence paiinitin ang Mixed Martial Arts

Hindi na napapanood sa TV at pelikula ang former actress na si Anna Bautista pero active siya sa pagpo-produce ng mga pelikula at bilang talent manager.

Si Anna ang head ng ABL Entertainment na may affiliation sa Viva Entertainment, Inc.

Isang multi-media productions company ang ABL Entertainment na itinatag ni Anna noong March 2015.

“Our expertise is producing high concept films from the process of conceptualization, script writing, filmma­king, film editing, and distribution.

“In addition, we have our in-house ta­lents and models for events/ TV and mo­vie productions and advertising opportunities.

“Our production specializes in preparation of screenplay, development of directors script, casting of actors, detailed plan and cost estimate affilia­ted with Viva Entertainment, Inc.

“Budgeting, accounting and legal advice will be done by Viva Entertainment, Inc.,” ang pagpapakilala ni Anna sa kompanya na pinamumunuan niya.

Ang television series na Habang May Buhay, ang talk show na Nightline- Joe D’ Mango at ang mga pelikula na Ika-13 Kapitulo at Lupe ang ilan sa mga project ng ABL Entertainment.

Nagpupunta rin si Anna sa mga film market sa iba’t ibang bansa at ang Titanic at Twilight ang dalawa sa successful Hollywood movies na dinala niya sa Pilipinas.

Co-manager din si Anna ng mga artista na contract star ng Viva Films. Isa si Arvic Tan sa talent ng ABL Entertainment. Napansin si Alvin sa 100 Tula Para Kay Stella dahil sa pagganap niya bilang love interest ni Bela Padilla. Pamilyar kay Arvic ang televiewers dahil sa mga television commercial na ginawa niya para sa malalaking kompanya.

Inaasahan na magiging exciting ang Mixed Martial Arts sa Pilipinas sa darating na taon dahil naman sa partnership ni Anna kay Laurence Ca­navan, ang MMA expert na talent din ng ABL Entertainment.

Kasama ni Anna si Laurence sa pag-discover ng mga Pilipino na mahuhusay sa MMA at naghihintay lamang ng malaking break.

“We will be reac­hing out to the pro­vinces to promote the benefits of mixed martial arts to ‘at risk’ youth and adults who could benefit from the discipline, routine, and the great self-esteem that comes with mixed martial arts physical training and competition. We are very excited about this,” ang excited na pahayag ni Anna.