Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pia hindi pa ligtas sa virus

0 65

Nasa U.K. pa rin si Pia Wurtzbach at kasama ang boyfriend na si Jeremy Jauncey. At sa Instagram stories niya, talagang ini-inform niya ang lahat ng importance ng vaccines at booster at ine-encourage na gawin ito ng lahat.

“16 days now since I got covid and although I’m already negative I’m still managing some symptoms. Now I know some of you are thinking, ‘e kahit pala vaccinated ka, magkakasakit ka pa rin e’.

“Pero that is wrong way to think about it. Pano nalang kung hindi ako nagpa-vaccine? Kung ngayon nga na vaccinated ako, walang comorbidity, healthy pero timanaan ako ng ganito kalala, pano pa kaya kung pinili kong hindi magpa-vaccine? Siguro mas malala na yung kalagayan ko or worse.

“Magpa-vaccine po tayo. At magpa-booster,” pakiusap ni Pia.

Cassy dedma sa paandar ni Marga

Unbothered Queen ang tawag ng mga fan, netizen sa Kapamilya star na si Francine Diaz. At marami naman base sa mga nababasa naming comments ang natutuwa dahil meaning, hindi raw ito affected o nagpapaapekto sa isyu ng tila love triangle sa pagitan nila nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin.

Naghihintay raw sila ng post nito dahil nga sa isyu, pero ang pinost, nagte-thank you sa bago niyang kitchen appliances.

Kaya sey nila, “Yaz unbothered queen.”

“Yung nag-aabang ka sa update ni chin patungkol sa issue tapos ito lang pinopost niya, unbothered queen talaga.”

Wala pang nagsasalita, maliban sa Tiktok ni Andrea ng kanta ni Selena Gomez. Ipinagpapalagay ito ng ilang netizen na may konek sa isyu sa kanilang tatlo.

Sina Andrea at Seth ang kilalang loveteam at kahit na wala pang official na pag-amin, e, mukhang sila naman talaga in real-life.

Pero heto at tila lumalabas sa mga isyu at speculation na parang tumi-third party si Francine.

Well, buhay nga uli ang away nina Marga at Cassy, ha!

Leave A Reply

Your email address will not be published.