Una sa Balita

Pia gustong ipagaya ang mukha ni Liza

0 894

Pinasok na rin ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang pagiging vlogger sa YouTube. Excited nga ang former beauty queen na mag-share ng content at sana raw ay makapagbigay siya ng aral sa mga manonood at magsu-subscribe sa kanyang vlog.

Sa first 12-minutes ng YouTube debut ni Pia, pinakita ito na pinag-aaralan ang kanyang gagamiting vlog camera at papunta siya sa isang photo shoot.

Nabanggit pa niya ang Kapamilya actress na si Liza Soberano sa kanyang vlog.

“What do you do when your peg is Liza Soberano? Nothing. You just pray,” sey pa ni Pia.

Sa ibang na-upload ni Pia, mapapanood na kasama niya ang kanyang pamangkin na si Lara habang wala siyang trabaho sa araw na iyon. Tsinika rin niya ang kanyang manager na si Jonas Gaffud at nag-sign siya ng autographs para sa ilang giveaways ng ini-endorse niyang liquor brand.

Isasama rin ni Pia sa kanyang vlog ang kanyang travels sa kung saan-saan sa Pilipinas at sa ibang bansa. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy