Una sa Balita

Pia ‘di kinaya ang laki ni Kai

0 802

NAGKITA ang dalawang Pinoy pride pagdating sa magkaibang larangan na sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at National Basketball Association prospect na si Kai Zachary Sotto sa 69th NBA All-StarWeekend 2020 sa Chicago, USA nitong Sabado.

Sa pagtatagpo ng dalawa sa State Farm All Star Saturday Night para sa Day 2 6th ­Basketball Without Borders (BWB) Global Camp 2020, ­naki-selfie si Queen P, halos kapantay lang nito ang ulo ni Kai.

Si Pia ay 5-foot-6 lang, habang si Kai ay aabot sa 7-feet-2.

Kaya paano nangyari na tila hindi nahirapan si Pia sa pag-abot sa ulo ni Kai gayong malaki ang height difference?

Sa tweet ng NBA Philippines, tumungtong pala sa upuan si Pia para lang maabot ang mukha ni Kai para sa selfie.

Si Pia ay nasa All-Star event bilang special ­correspondent ng Pilipinas, habang si Kai naman ay nakasama sa 64 boys and girls mula sa 34 na bansa na nasa lineup para sa BWB na proyekto ng NBA at International Basketball Federation o FIBA..

Nagbukas nitong Biyernes ang training camping kung saan nakausap naman ng Pinoy cage ‘phenom’ si NBA champion at Toronto Raptors star Pascal Siakam.
Sa Linggo nang gabi, naka-schedule kay Sotto at kapwa campers ang panonood ng NBA All-Star Game. (Ray Mark Patriarca)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More