Una sa Balita

Pia, Demi, Iris kabugan ng ganda sa May 8

By
0 3,408

Balik-Pilipinas ang mga Miss Universe na sina Iris Mittenaere (2016) at Demi Leigh Nel Peters (2017).

At kitang-kita sa mukha nilang dalawa ang sobra-sobrang kaligayahan, dahil sabi nga nila, parang se­cond home nila ang Pilipinas. Mahal na mahal nga nila ang Pilipinas, kaya sa bawat imbitasyon na natatanggap nila na may kinalaman sa mga event dito sa Pilipinas, hindi raw talaga sila nagdadawalang isip na magpunta.

“Can’t stop laughing when I’m in the Phi­lippines #philippines #laugh #fun,” sey ni Iris.

Abante Hiring – IT dep

Si Demi naman, agad na nag-post sa kanyang Instagram stories ng mga aktibidad niya, tulad ng pagdalo sa isang event na The World Strongest Man sa Rizal Park.

At siyempre, mapapanood sina Demi at Iris sa Grit + Glam, World Strongest Man, na gaganapin sa May 8. Pero sa IG nila, makikita mo talaga na mega lamyerda ang dalawang beauty queen, ha, na at home na at home nga sila sa Pilipinas. Sa mga nagtatanong, kasama si Pia Wurtzbach sa event na ito, kaya huwag nang intrigahin pa na naitsa-puwera ang ating Miss Universe.

At kapag usapang beauty queen, ang pa­laging sobrang excited ay si Jonas Gafud, ang beauty queen maker.

“Women of the Universe. @irismittenaeremf @demileighnp and the @swanbirdnyc. Welcome back to the Philippines! #missuniverse #gritandglam#frontrow #empireph,” sey ni Jonas.

So, tuloy na nga ba ang usapan na sa Pilipinas ulit gagawin ang Miss Universe ngayong 2018? (Dondon Sermino)