Una sa Balita

Pia dedma sa aksidente ni Marlon

0 626

Naniniwala kaming hindi maganda ang break up nina Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger dahil na rin sa injury post ng sports host-race driver.

Makikita sa Instagram wall ni Marlon ang ilang larawan ng x-ray copy ng dislocation ng buto nito sa balikat.

Ayon sa caption, nagkaroon ng freak accident si Marlon habang nagti-train ng boxing.

@marlonstockinger: “Freak accident training today while boxing. Ended up dislocationg my left shoulder. I just want to thank Dr. Marc Reyes for popping my shoulder back in, as well as Dr. Ernas and all the staff in Asian Hospital for looking after me. I’ll be alright, and I’m already looking forward to coming back stronger. Just a small bump in the roa. Would be great if anyone can recommend rehab center for this type of injury.”

Habang nag-aalala ang mga supporter ni Marlon at nagpadala ng kanilang messages of concerns, deadma naman si Pia sa dating kasintahan.

Wala ni isa mang mensahe ang Miss Universe sa posting na ito ni Marlon kahit man lamang pabalat-bunga dahil hindi naging maganda ang kalagayan ng kanyang ex lalo’t matatagalan pa bago bumalik sa normal ang balikat nito.

Totoo nga yata ang balitang hindi naging magkaibigan ang dalawa matapos ang break up.

Imposibleng hindi makarating kay Pia ang balita kahit na nga in-unfollow nito ang race driver dahil marami silang mga common friends na siguradong naghatid ng balita sa beauty queen.

Solenn enjoy sa pagpapadede

Nagsimula nang ipakita ni Solenn Heussaff sa kanyang mga fan ang pagpapaka-ina nito sa kanyang sanggol.

Pero hindi lang ang gestures ni Solenn ang masisilip sa Instagram post nito, kundi ang kanyang dede.

Nagpaskil si Solenn ng larawan niya habang nagbi-breast feed sa kanyang anak.

Lantad ang kaliwang bahagi ng dibdib ni Solenn dahil pataas ang pagkakakuha sa kanilang mag-ina kaya naman kitang-kita ang dede nito.

Hindi nga lang nalantad ang nipple nito na natatakpan ng bibig ng bata na uhaw na uhaw sa gatas.

Asahang mas marami pang mga ganitong “wa-paki” photos si Solenn sa mga susunod niyang mga photo posting ngayong ibang chapter naman ng kanyang pagiging daring ang tinatahak nito sa kanyang buhay bilang first time mom.

Lea dismayado sa pagbasura sa same sex marriage

Patuloy sa pagtatanggol si Lea Salonga sa LGTBQ+ na mababasa sa kanyang Instagram post.

Nagpaalala si Lea sa mga parent na iwasan ang magsalita nang hindi maganda o magmura sa mga gay people dahil bumabalik ito sa kanilang mahal sa buhay.

In bold letters na mababasa sa IG wall ni Lea ang mensahe nito tungkol sa mga magulang na may nararamdamang suklam sa LGBTQ+.

“All parents should be aware that when they mock or curse gay people, they may be mocking or cursing their own child.”

Dahil dito, pumuntos na naman ng paghanga si Lea mula sa mga bakla, sa ginawa nitong pagtatanggol sa mga ito.

Sa pagkakabasura ng mga mambabatas sa usapin ng same sex marriage, isa si Lea sa nagpakita ng pagkadismaya niya.

Hindi nga lang diretsahan pero may mga padaplis na pagpaparamdam si Lea nang pagkontra niya sa verdict.

Ice makabuluhan ang bakasyon sa Sagada

Naging mas makahulugan ang pagbabalik ni Ice Seguerra sa Sagada matapos ang pitong taong nakalipas.

Sa kuwento ni Ice sa Instagram post niya ng pagpunta nila ng kanyang misis na si Liza Diño, mas masaya at mas kumpleto ang pagbisita niya muli sa nasabing lugar dahil kasama na niya ang kanyang asawa.

2013 nang huling pumunta si Ice sa Sagada, na siya ring taon nang pagkikita nila ni Liza.

Sa unang punta niya, nais niyang magkaroon ng katiwasayan sa utak at mag-recharge ng kanyang sarili para pagbaba niya ng Manila ay handa na siya sa mga haharapin niya sa buhay.

Hindi raw maipaliwanag ni Ice ang nararamdamang kasiyahan lalo na nang ipakilala niya ang asawa sa mga taong nakilala niya 7 years ago.

Sa unang pagpunta niya sa Sagada, ‘yun ay para hanapin ang kanyang sarili. At sa kanyang pagbabalik, kasama na niya ang taong bumuo ng kanyang pagkatao.

Bahagi ng kanilang wedding anniversary ang pagpunta ulit ni Ice sa Sagada.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More