Una sa Balita

PIA chief pinutulan ng pakpak ni Andanar

0 445

Mistulang pinutulan­ ng pakpak ni Communications Secretary Martin Andanar ang pinuno ng Philippine Information Agency (PIA) matapos mag-isyu ng Department Order No. 6 upang idiin na ang Presidential Communications Ope­rations Office (PCOO) ang final approving authority sa lahat ng mga appointment at iba pang tran­saksyon ng PIA.

Binigyang-diin sa order na inisyu noong Hunyo 10, na ang PIA ay attached agency lamang ng PCOO kaya’t nasa ‘direct supervision’ nito ang public information arm ng gobyerno.

“All personnel actions within the PIA shall require the final approval of the PCOO Secretary. Personnel actions include, but are not limited to, the following: hiring, appointment, transfer, detail, secondment, suspension and termination of PIA officials, employees and personnel,” bahagi ng direktiba ng PCOO chief.

Nilabas ni Andanar ang direktibang ito bunsod ng reklamo ng corruption laban kay PIA chief Harold Clavite.

Pinalagan ni Clavite ang reklamo ng corruption sa pagsasabing ang intensyon nito ay siraan siya matapos niyang isagawa ang mga reporma sa PIA.

Nanindigan naman ang Malacañang na may hurisdiksyon ang PCOO na mag-imbestiga sa mga opisyal na nasa ilalim ng ahensiya.

Sinabi ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos kuwestiyunin ni Clavite ang hurisdiksiyon ng PCOO na imbes­tigahan ito kaugnay sa bintang na katiwalian.

“What does he mean na walang jurisdiction ng PCOO? Hindi ba under ang kaniyang departamento sa PCOO. Bakit, mayroon na sa Ombudsman? Mayroon na ba? That’s why I’m asking. Kung wala pa, puwede,” ani Panelo.

Kabilang sa mga akusasyon kay Clavite ay splitting of contracts, misused of funds for hotel accomodation at umano’y iregularidad sa produksiyon ng mga information material. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy