Una sa Balita

Pia, Catriona walang ‘K’ mag-Darna

0 430

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyConsistent si Direk Erik Matti sa kanyang naunang statement na si Nadine Lustre ang napupusuan niyang gumanap na Darna. Ayon sa award-winning director, si Nadine ang dapat pumalit kay Liza Soberano.

Nalaglag nga sa listahan at poll selection ng mga netizen sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray dahil ipinagdiinan ni Direk Erik Matti na sa kanyang opinyon, hindi kailangan ang isang beauty queen o model para maging susunod na Darna.

Paliwanag niya, ang peg ng Darna na base sa storyline na binuo nila, hindi matangkad si Darna at si Narda. Ordinaryong babae lang dapat ang gaganap sa Darna, na mukhang Pinay talaga.

Kaya nga wala na siyang ibang peg sa role kundi si Nadine, dahil sa kasimplehan ng beauty nito na sakto sa karakter ni Narda. At kapag nag-transform na raw ito sa karakter ni Darna, lalabas ang kaseksihan nito na “vavavoom,” ayon pa rin kay Direk Matti.

Hindi dapat pag-usapan ang tungkol sa “Darna” sa presscon ng lalabas na movie ni Direk Matti, ang “Kuwaresma” na pinagbibidahan nina Sharon Cuneta at John Arcilla. Pero dahil si Direk Matti ang original na magdidirek sana ng pelikula, na hindi natuloy, kaya ibinigay na ito kay Jerrold Tarog.

Limang shooting days na raw ang naumpisahan ni Direk Matti kay Liza, at ‘yun ay mga Narda scenes pa lang nito. Alam ni Direk Matti noon pa lang ang problema sa daliri ni Liza, at nakita niya ang itsura ng bali nito.

Natawa si Direk Matti sa usapin na “jinx” ang Darna dahil laging nai-injure ang mga magtatangka na gawin ito. Tulad ni Angel Locsin na nagkaroon ng back injury. Kasama si Direk Matti nang magpagamot si Angel sa Singapore noon.

Sa social media post ni Angel, makikitang nakakagawa na ng minor stunts at action scenes si Angel, nakakasakay na ito ng kabayo at nakakapag-hiking na ito sa bundok.

Anyway, ngayong May 15 ang showing ng “Kuwaresma” na dinirehe ni Erik Matti, sa ilalim ng produksyon ng Reality Entertainment.

Heart sobrang love ni Christian Louboutin

Unti-unting nabibigyan ng halaga sa Paris ang pangalan ni Heart Evangelista, lalo na sa mga signature designer. Nagbunga ang madalas na pagdalo ni Heart sa mga fashion show sa Paris, at pag-patronize niya sa mga luxury item.

Naka-poste sa Instagram ni Heart ang isang bag na may kalakip na card mula sa pamosong Louboutin brand. Mismong ang designer-owner ng Louboutin, na si Christian, ang nagpadala ng card at bag kay Heart.

Nakasaad sa card na bela­ted birthday gift ito ni Christian para sa Kapuso star.

Nagpasalamat si Heart kay Christian sa regalo nito sa kanya.

“Paris to Philippines, My dear Christian sent me this super thoughtful gift as a belated birthday present. Merci, mon ami @louboutinworld,” sabi ni Heart.

Ang nasabing bag ay yari sa fabric materials na ga­ling sa Pilipinas. Bilang pasasalamat at pagpapahalaga ni Christian sa gawang Pinoy, pinangalanan niya ang design ng bag bilang “Manilacaba.”

Nagkakahalaga ng 1,590 US dollars ang tote bag, na sa Philippine currency conversion ay higit sa P83,000. Hindi naman kataka-taka na padalhan ng mamahaling birthday present si Heart dahil nang bumisita sa ‘Pinas si Christian last year, isa si Heart sa iilan lang na nakakilala at nakasama sa event ng pamosong bags at shoes designer.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy