Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pia binantaang sasabunutan dahil kay Jeremy

0 192

Gusto na namang sabunutan si Pia Wurtzbach ng mga nagwa-water-water na mga babae sa kanyang boyfriend na si Jeremy Jauncey, dahil nga sa pinakabagong look ng travel businessman.

Nagpagupit ito ng maikli at ayon mismo kay Pia ay nagmukha itong, college jock, athlete at iba pa.

Pinasilip ni Pia sa Instagram ang kasintahan sa isa sa mga ibinahagi niyang food plating. Kinunan ng larawan ni Pia si Jeremy na nakatingin sa pagkain. Dahil sa new look hindi ito makikilala agad.

No wonder kung bakit kilig-kiligan na naman si Pia ngayong mas lumabas ang kagwapuhan ng kanyang dyowa.

Macho na, gwapo pa at mayaman, kaya naman sentro ng inggit si Pia ng mga kapwa kababaihan na nais syang sabunutan. Mababasa nga ‘yon sa mga comment.

Anyway, ang post ni Pia ay nagtatanong lang naman siya sa kanyang follower kung paano sya gagawa ng food vlog. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.