Una sa Balita

Pia biglang naging emotional nu’ng Dec. 20

0 538

Isa sa pinakamagandang araw na nangyari para sa Pilipinas ay nu’ng December 20, 2015, na hanggang ngayon ay hindi talaga malilimutan ng mga fan dahil kaytagal talagang hinintay na maiuwi sa bansa ang ­korona ng Miss Universe, at ‘yun nga ay sa pamamagitan ng taglay na kamandag ng beauty ni Pia Wurtzbach.

Binalikan ni Pia ang magandang alaala at ibinahagi pa sa kanyang Instagram ang pagiging sentimental niya tungkol sa pagwagi bilang Miss Universe 2015.

“Dec 20, 2015. Remember that day? The moment that changed my life forever and four years later, you’re all still here. This post is for you and I am happy and grateful for each one of you. (Swipe left) Mahal ko kayo!” sey ni Pia kalakip ang litratong suot ang koronang napanalunan niya habang nakadungaw sa bintana.

Eh paano ba naman magiging hindi remarka­ble ang pagkapanalo ni Pia? Matatandaang nagkamali pa ang host na si Steve Harvey sa pag-anunsyo ng kung sino talaga ang tunay na nagwagi. ­Imbes na Philippines ang bigkasin ay ­Colombia ang nabasa nito na binawi rin, ­dahilan para maging super epic talaga ng pagkapanalo ni Pia.

Hanggang ngayon nga na 2019 ay hindi pa rin maalis kay Steve Harvey ang alaalang iyon, to the point na tuwing mababanggit ang Pilipinas sa pageant ay hindi maiwasan ng host na magkaroon ng kakaibang reaksyon.

Matatanda­an din na sa pagrampa ni Pia noong 2016 para ipasa ang kanyang korona sa ­susunod na Miss Universe, nagpasalamat pa sina Steve at Pia sa isa’t isa dahil sa kanilang pageant ­record na tumatak na sa ­mara­ming tao sa buong ­mundo. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More