Una sa Balita

`Physical Distancing’ di umubra sa palengke

0 393

Sa dami ng mamimili ay hindi naipatupad ang Physical Distancing sa palengke ng Blumentrit sa Maynila.

Parang walang limitadong galaw ang mga tao sa panahon ng Enhance Community Quarantine nang nagkakasabay-sabay ang mga mamimili sa mga palengke dahil sa paghabol sa oras ng pamimili.

“Nag-aapura kailangan umabot sa oras na ibinigay ng Barangay na gigising ng maaga para makaabot sa pamamalengke,” saad ng isang mamimili.

Pero kahit maraming tao ay ramdam ng mga vendor ang epekto ng ECQ dahil matumal ang benta.

Samantala, ang oras ng pamamalengke ay mula alas-8 hanggang alas-10 ng umaga at alas-3 hanggang alas-5 ng hapon. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More