Una sa Balita

Photography courses sa Fort Santiago patuloy

0 153

Ipagpapatuloy ng Federation of Philippine Photographers Foundation (FPPF) ang pagdaraos ng photography cour­ses para sa mga hobbyist at professional photographer sa Fort Santiago sa Intramu­ros, Manila.

Makakaasa ang mga magpapatala sa basic photo course na madali nilang ma­tututunan ang photography at higit na mapapalawak ang kanilang kaalaman kung kukuha pa sila ng mga kurso para sa professional photographer.

Ang basic photo courses ay para sa mga baguhan na gustong matuto ng photography at special courses sa mga professional photographers na gustong mas maging bihasa upang makahigit sa kapwa photographer, maituturing na ganap na propesyonal.

Sa mga baguhan ay may isang lesson plan upang matutunan nila ang paggamit ng camera at makakuha ng litrato sa loob lamang ng 5 araw or 40 oras. Para sa corporate employers, mas maigsing oras sa paggamit ng camera na ang resulta ay ­tamang pagkuha ng litrato.

Gaganapin ang susunod na 5-Sabado basic photography seminar umpisa sa Marso 21 samantalang ang weekday sa Peb. 10-14. Special courses: Lighting Essentials, Peb. 29 and Marso 1; Wedding, ­Marso 28-29; Cruiseship, Peb. 16; Lightroom, Peb. 15; Photoshop, Marso 28.

Para sa iba pang impormasyon, tawagan ang FPPF c/o Kim Salvador/Mae Murphy, Femii Bldg., A. Soriano St., Intramuros, Manila. Tel. 8524-7576/8528-0371 o bisi­tahin ang www.photoworldmanila.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More