Una sa Balita

Phoenix Petroleum big time rollback ngayon

0 252

Bigtime ang rollback na ipapatupad ng Phoenix Petroleum ngayong araw sa presyo ng gasoline at diesel.

Ayon sa Phoenix Petroleum, babawasan nito ng P1.70 per liter ang presyo ng diesel at P0.90 per liter ang presyo ng gasolina sa mga gasolinahan nito simula ngayong alas-sais ng umaga, Enero 18, 2020.

Ayon sa Department of Energy, nagmahal ang Dubai crude ng US$0.75 per barrel noong January 6-10, 2020 subalit bumaba naman ang presyo ng MOPS gasoline at MOPS diesel. Ang MOPS o ang Mean of Platts Singapore ang basehan ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More