Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Phoenix, NorthPort todo pati pamato

0 203

Laro ngayon: (Araneta Coliseum)
**playoff para sa 8th spot
6:30pm — Phoenix vs NorthPort

PAG-AAGAWAN ng Phoenix at NorthPort ang 8th at final seat sa PBA Governors Cup quarterfinals sa one-game playoff mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Tinapos ng Fuel Masters at Batang Pier ang 11-game eliminations sa parehong 5-6 win-loss card.

Uusad ang mananalo na may pabigat sa balikat, dahil matotoka naman sa Magnolia na No. 1 seed at armado ng twice-to-beat bonus.

Tumukod ang NorthPort sa TNT sa overtime 106-101 Biyernes ng gabi matapos tambakan ng Meralco ang Phoenix 109-90.

Sa lone game sa elims noong Feb. 26, tinalo ng Batang Pier ang Fuel Masters 101-93 sa Ynares-Antipolo.

Wala pa sa lineup ni coach Pido Jarencio si Robert Bolick sa larong ‘yun, ipinahiram ang explosive guard sa Gilas Pilipinas na nangampanya sa 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers window sa Big Dome.

Si Jamel Artis ang bumomba ng 29 points, inayudahan ng 19 ni Paolo Taha.

Kontra Bolts, kinapos ang 26 points, 12 rebounds ni De’Vaughn Maxwell at 16 markers ni RJ Jazul. May 13 points si Matthew Wright pero kinailangan niya ng 19 shots. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.