Una sa Balita

Phoebe Walker handang maghubad sa international movie

0 490

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyWala raw magiging problema kung maghuhubad muli si Phoebe Walker sa pelikula. Ganiyan nga ang chika ng best suppor­ting actress ng MMFF para sa Seklusyon.

Nag-guest nga si Phoebe sa Abante News Online show namin ni Dondon Sermino, ang “Abantelliling” at napag-usapan ang paghuhubad niya sa “Seklusyon” na nagbigay nga sa kanya ng award.

May maibibigay pa ba sa paghuhubad si Phoebe? At yes daw, pero dapat ay talagang markado ang role. Dapat daw ay sa international film festival sa abroad ito ipalalabas o isang international film production ang gagawa.

Sabi nga ni Phoebe, niyakap na niya ng todo ang pag-aartista kaya dapat maging open siya sa kung anuman ang posibleng role, movie project na ibigay sa kanya.

‘Yun nga lang, magiging mahirap ang desisyon kay Phoebe sa muli niyang pagpapa-sexy dahil sa kanyang lovelife.

Seloso ang kasintahan ng aktres, na hindi naman kataka-taka lalo’t ang beauty na katulad nito ang magiging dyowa.

Sa ilang mga desisyon ni Phoebe kaila­ngang ipinapaalam niya sa kanyang dyowa, hindi sa anupaman kundi dahil respeto nito sa kanilang relasyon.

Itinanggi ni Phoebe na hindi siya mabubuhay nang walang lovelife. Depensa pa niya, anim na buwan ang itinatagal matapos ang break up niya sa unang boyfriend bago siya nagkaroon ulit ng karelasyon.

Anyways, kung gusto niyong malaman ang ibang impormasyon sa buhay ni Phoebe, tungkol sa kanyang career, personal life at struggles, panoorin ang buong episode ng guesting niya sa “Abantelliling” na masi-search sa Abante News Online sa Facebook at YouTube: Abantelliling.

***

Morisette nalula sa papuri ni RegineMorisette nalula sa papuri ni Regine

Halos malunod sa kasiyahan si Mori­sette Amon nang makarating sa kanya ang paghanga ni Regine Velasquez-Alcasid sa husay niyang kumanta. Sinabi nga ni Regine na gusto niyang makasama sa trabaho si Morisette.

“Ang galing ni Morisette, sana i-revive niya ang ‘Pangarap Ko Ang Ibigin Ka’, wala na akong magagawa sa kantang yun, naibigay ko na.”
Nang makarating kay Morisette ‘yon, agad siyang nag-post sa Instagram ng naramdaman niya. Kalakip ang ilang mga larawan nila ni Regine sa ilang pinagsamahang concert.

“REGINE WOOOOH! Hahahaha pero grabe lang po, di ako makapaniwala..to be recognized this way by one of our idols!!! Sabihin ko na talaga na napakaswerte kong faney haha, eh isa lang po ako sa milyun-milyong nagmamahal ng nag-iisang #AsiasSongbird. Maraming salamat po Ms @reginevalcasid for the overwhelmingly kind words, and blessings hehehe.

“When Tito @carloorosa first shared to me about what you thought of my #PangarapKoyIbiginKa cover, and then you and mismo si Sir @ogiealcasid confirming it during the ABS-CBN Ball, nag-uumapaw po talaga ang kilig ko..as I’ve shared isa talaga yan sa pinaka-favorite kong OPM songs.

“Hopefully po we’ll be able to work it out soon! Excited po kami sa bago mong adventure na ito, sana makatrabaho ko rin po kayo uli..see you around po, we love you! #WelcomeHomeKapamilyaRegine,” saad ni Morisette.